BARANGAY OFFICIALS

CARMELO D. MAURO
Punong Barangay

Barangay Kagawad:

Esmeraldo D. Mendoza
Viviana G. Diaz
Joel M. Delos Santos
Marie Fe B. Rotaquio
Aurora B. Ramos
Antonio L. Flores
Felipe G. Alay-ay

Barangay Secretary
Estrela S. Sampayan

Barangay Treasurer
Marilyn D. Rapal


  • Barangay Profile


  • KASAYSAYAN NG BARANGAY DETAILEN

    Bago naganap ang pangalawang digmaang pandaigdigan ang malawak na kagubatan sa pagitan ng mga buhay na ilog at mga sapa sa bayan ng Baler ay inilaan ng pamahalaan upang maaaring tirhan ng mga katutubong di-binyagan na kilala sa tawag na Alta. At pagkatapos naganap ang digmaan, ang pook na ito’y tinitirhan na ng mga Kristiyano mula sa iba’t-ibang lalawigan na kanilang pinagyaman at ginawang bukirin na tinamnan ng mga mapapakinabangan pananim. Dahil dito, ang mga Alta ay unti -unting nagsilipat ng tirahan sa iba’t ibang lugar at ang mga nag-silipat na Kristiyano ay humiling upang pamahalaan ang ipagkaloob sa kanila na pook na ito at ang kahilingang iyon ay ipinagkaloob sa kanila. Upang hindi malimutan ang ala -ala ng mga katutubo at bilang pagkilala at paggalang ng mga Kristiyano sa kanila tinawag ang pook na ito sa tawag na DETAILEN hango sa pangalan ng matalinong pinuno ng tribo. Sa panahong mga nagdaan ang pook na ito ay naging maunlad ng di kagaya ng dati ngunit ito ay wala pa ring pangalan. Dahil dito nakatira ang isang napakagandang dalaga na nag-ngangalang Elen ay napusuan o iniibig ng isang napakakisig na binata na ang pangalan ay Datu at sila ay nagka-isang dibdib. Dahil sa wala pa ring pangalan ng mga panahon na iyon ang pook na ito ay kanilang hinango sa pangalan nina Elen at Datu upang ito ay magkapangalan kung kaya ito ay nagkaroon ng pangalan na “DETAILEN” dahil sa dalawang magsing-irog na ito. Hanggang sa ngayon ang pangalang Delailen ay kinikilala sa bayan ng Maria Aurora, Lalawigan ng Aurora. At ang mga naglingkod sa Barangay Detailen ay sina G. Catchuela, G. Jose Pablo, Mamerto Bacillo at G. Prodencio Lania sila ang mga naging Tinyente Del Baryo noong nagdaang panahon. At simula ng taong 2000 -2013 ang naglikod na Punong Barangay ay si Joseph A. Manubay kasama na ang kanyang mga Kagawad sina Gng. Vivian G. Diaz, Gng. Aurora V. Ramos, Gng. Gemma H. Alay-ay, G. Carmelo D. Mauro, G. Joel M. Delos Santos, G. Agapito A. Alamani, Jr., G. Esmeraldo D. Mendoza, at si G. Mark Antony V. Emillo hanggang ngayon. Hanggang sa kasalukuyan henerasyon sa pangunguna ni Kapitan Joseph A. Manubay kasama na ang kanyang mga kagawad at mga opisyales sa barangay ay nag-tutulungan kumikilos upang mapaunlad ang Barangay Detailen. Ang bawat pamayanan ang kinabukasan nakasalalay sa mga mamamayan ang pagpapahalaga sa kalikasan, para makamit ang kaunlaran, marapat lamang ang bawat isa sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos at pagkakaisa ay susi ito para makatulong sa pagpapataas ng antas ng pangkabuhayan ng ating pamayanan sa barangay.