BARANGAY OFFICIALS

ZENAIDA D. BUSAING
Punong Barangay

Barangay Kagawad

Rosela C. Damaso
Daniel B. Ikug
Elizabeth B. Dela Cruz
Kennedy L. Buyao
Severina C. Simalong
Alejandro T. Hilario
Lucero T. Ngateb

Barangay Secretary
Irene I. Gumuwang

Barangay Treasurer
Sandra D. Cadio


  • Barangay Profile


  • KASAYSAYAN NG BARANGAY DECOLIAT

    Noong unang panahon ang mga nakatira sa lugar na ito ay mga Baluga o Ita na pinamumunuan ni Lubod. Ito ay napapaligiran ng tatlong malalaking Ilog tulad ng Canili, Kabatangan at Decoliat River. Ang barangay na ito ay wala pang angkop na pangalan noon maliban sa tatlong Sitio tulad ng Agmanol, Kaputikan, Proper Decoliat at Buloy na tinatawag ng Nursery noon. Noong taong 1950 ng madiskubre ng mga Ilokano ang lugar na ito kayat sa pamumuno ni Lubod ang lugar na ito ay pinangalanan ng Decoliat River dahil ang ilog na ito ang nagpapatubig sa lupang binubungkal ng mga tao sa barangay hanggang sa ngayong kasalukuyan. Noong taong 1956, itinalaga na si G. Daniel Marmolejo bilang unang Tinyente Del Baryo. Sa bisa naman ng Presidential Decree Resolution No. 485, series taong 1963 ang lugar na ito ay idiniklara bilang Barangay Decoliat sa tulong ni Kagalanggalang Leon B. Hulipas, ang butihing alkalde ng bayan noon. Ang mga sumusunod na nanungkulan bilang Tinyente Del Baryo ay sina G. Palkong Simalong. Naging acting naman sa madaling panahon si G. Juanito E. Laruan matapos manungkulan si G. Palkong Simalong. Noong naging Kapitan ang Tinyente Del Baryo, ang mga naging Punong Barangay na sina G. Fermin Bayeng, G. Felipe Jimenez at G. Lucero Ngateb. Taong 2000 ng mahalal at nagsimula manungkulan naman si G. Peter D. Ikug at dahil sa kanyang natatanging pag-uugali siya ang kauna-unahang Punong Barangay na umabot ng tatlong termino sa panunungkulan. Halalang 2010, siya ay nagwagi bilang huling termino nito sa paglilingkod sa barangay at mga mamamayan nito. Ang pamayanan ay nagsusumikap para sa ikauunlad ng barangay sa pangunguna ni Kapitan Peter D. Ikug. At lahat ng mga opisyales sa barangay ay tulong-tulong para sa wastong paglinang sa kapaligiran tungo sa maunlad, mapayapang pamayanan na nagpapatunay na ang pagpapahalaga sa kalikasan dahil nakasalalay ang kabuhayan ng mga mamamayan at kaunlaran ng isang barangay. Kaya ang mga mamamayan ay nagtutulungan upang mapaunlad ang barangay na hangad ng mga mamamayan o pamayanan mapanatili ang adhikain na higit pang-pagyamanin ang kalikasan bigyan ng kaukulan atensiyon ng bawa’t isa. Sa kasalukuyan ang mga mamamayan ay nagkakaisa upang pangalagaan ang kapalingiran upang mapaunlad ang pangkabuhayan at naniniwala ang pamayanan na sa tamang paggamit ng “LIKAS NA YAMAN” makakamit din ang minimithing tagumpay ng mamamayan sa barangay ito.