BARANGAY OFFICIALS

INOCENCIO C. CASTILLO
Punong Barangay

Barangay Kagawad

Rahmmel M. Frago
Antonio V. Balquiedra
Edwin E. Herminigildo
Ariel E. Adriano
Condrado M. Nisperos
Elmer M. Japson
Leopoldo B. Ruzol

Barangay SK-Chairman
Marvin R. Villanueva

Barangay Secretary
Sheryl S. Dela Cruz

Barangay Treasurer
Alona M. Mercado


  • Barangay Profile


  • KASAYSAYAN NG BARANGAY DEBUCAO

    Ang DEBUCAO ay isa sa itinuturing na pinakamatandang Barangay ng Bayan ng Maria Aurora. Ito ay dating sakop ng Baler noong panahon ng Kastila. Matatagpuan ito sa kapatagan bahagi ng lupain na napapagitnaan ng dalawang ilog ang Ilog Diaman at Ilog Malupa. Ito ay napapaligiran ng mga ibang mga barangay mula sa silangan ay Barangay Quirino, sa hilaga ang Barangay San Leonardo na dating Kaputikan, sa timog ay Barangay Dikildit, sa timog kanluran naman ang Barangay Diaman at ang kanluran nito ay Barangay Diome. Binubuo ito ng may isang libo at apatnapung mamamayan na naninirahan dito na karamihan ay masisipag na mga magsasaka. Ilokano ang karamihan dito na nagmula pa sa iba’t-ibang bahagi ng hilagang Luzon. Noong unang panahon ang Debucao ay pamayanan ng mga katutubong “Aeta” na pinamumunuan nina Datu Debu at ang ama niyang si Datu Lukan. Sila ay nakatira sa pamayanan na nakakanlong sa paanan ng bundok. Si Datu Debu ay makisig, matapang at magilas na kinagigiliwan ito ng kanyang mga kaliping dalaga ngunit ang napupusuan niya ay isang dalagang moreno na ubod ng ganda na mula sa lipi ng mga Maharlikang Malayo, na naninirahan sa gilid ng isang napakalinaw na batis na tawagin ngayon ay Dibungbungan. Masaya ang pag-iibigan nina Debu at Dayang Liyag ngunit nagkaroon ito ng balakid dahil sa minsan ay may napagawing mga mangangasong mga sundalong kastila. Ang kapitan ng mga sundalong kastila ay nabighani at nagkagusto kay Dayang Liyag. Binalik-balikan ng kapitan si Dayang Liyag, sinuyo at niligawan ito. Ngunit sa kabila ng kakisigan ng kapitan si Datu Debu pa rin ang nangingibabaw sa kanyang pihikang puso. Minsan isang araw sa pagbalik ng kapitan dahil hindi rin ito maiibig ni Liyag at nagbanta ang kapitan na papatayin niya si Datu Debu. Dahil sa takot ni Dayang Liyag sa banta ng kapitan sumama ito kay Debu upang magtago at lubusang nagsama habang panahon. Araw, buwan at taon ang lumipas mula ng magtago ang magsing-irog nabalitaan naman ng mga Ilokano na naninirahan sa silangang bahagi ng pamayanan nina Debu ay bukang bibig nilang binibigkas ang salitang “ni debu nagpukaw, ni debu nagpukaw, ni debu nagpukaw” na ang ibig sabihin sa salitang Pilipino ay naglaho o nawawala. Ito ay nagpasalin-salin hanggang sa ito ay naging DEBUCAO na lang. Sa paglipas ng panahon ang mga residente dito ay may nakita silang dalawang malalaking bato sa itaas ng bundok sa dating pamayanan nina Debu na pinaniniwalaan ng mga residente na ang magka-akap na bato ay sina Datu Debu at Dayang Liyag. May nagsasabing sina Debu at Diwang ay ang dalawang magkaakap o magkatabing malalaking bato na nasa tuktuk ng bundok ng Debucao. Ang dalawang batong nabanggit ay animo puntod na napapalibutan ng mga tanim na bulaklak sa parang. Magpasa hanggang ngayon ay kinatatakutan lapitan ng mga tao ang mga batong iyon. At mula noon, ang pamayanan nina Debu at ang pinaninirahan ng mga Ilokano ay tinawag na ng “DEBUCAO”.