BARANGAY OFFICIALS

CONRADO I. LAURETA
Punong Barangay

Barangay Kagawad

Julita N. Eugenio
Samuel DS. Serame
Jaime M. Aquino
Tarcila A. Nebrida
Romeo G. Pino
Elpidio N. Nimer
Laureano C. Bartolome

Barangay Secretary
Laarni Z. Ladio

Barangay Treasurer
Roda M. Picardal


  • Barangay Profile


  • KASAYSAYAN NG BARANGAY CABITUCULAN EAST

    Taong 1970, ang Barangay Cabituculan East at Cabituculan West ay iisa at ang naging Tinyente Del Baryo ay si G. Catalino Sumigcay. Subalit sa halalang pambarangay na ginanap ang Cabituculan ay hinati at ito ay naging Barangay Cabituculan East at Cabituculan West. Taong 1973 ganap na naging Barangay ang Cabituculan East. Sa panahong iyon ay kakaunti pa lamang ang mga tao at masukal pa ang paligid nito at napakadilim kung gabi. Lumipas ang panahon at dumami ang populasyon nito. Taong 1986, ang barangay na ito ay nagkaroon ng Ilaw Dagitab o elektrisidad. Nagsimula ang pag-unlad ng buhay ng mga tao dahil ng mga panahong wala pang elektrisidad sa barangay ang mga tao ay maagang natutulog kung sumapit sa pagsapit ng dapit-hapon. Nang magkaroon ng kuryente hindi na tulad ng dati na maagang natutulog sapagkat mayroon na silang mapaglilibangan katulad ng panunuod ng telebisyon at nalalaman na ng mga taong barangay ang mga isyu tungkol sa nangyayari sa ating bansa. Ang pangunahing pinagkakakitaan ng mga tao rito ay ang pagsasaka. Ang mga kalsada dito ay napakakipot at wala pang Farm to Market Road kaya ang mga magsasaka dito noon ay hirap na hirap ilabas ang kanilang mga aning palay. Sa ngayon ay mayroon ng kongkretong mga kalsada, Elementary School, gayundin nabuksan na ang Farm to Market Road. Ang mga mamamayan at mga taong barangay ay tinamasa ang kaunting kaginhawaan at kaunlaran ng barangay sa Cabituculan East. Ang mga naging Punong Barangay 1974 –1980 G. Sofronio Corpuz 1980 -1987 G. Jovito Delfin 1988 -1994 G. Brigido Andres 1994 -1997 G. Jovito Delfin At hanggang ngayon sa kasalukuyan ang lahat ng mga opisyales sa barangay ay nagtutulungan para sa kapakanan ng mga mamamayan. Upang linangin at paunlarin sa wastong paraan upang maging susi ito at makatulung sa pagpapataas ng Antas ng pangkabuhayan ng mga taong pamayanan sa Barangay Cabituculan East.