BARANGAY OFFICIALS

FELILIA D. BRIONES
Punong Barangay

Barangay Kagawad:

Honorio F. Villanueva
Raul F. Ancheta
Daisy M. Laurio
Francisco L. Ancheta, Jr.
Mary Grace O. Domingo
Rogelio A. Camacho
Richard V Viloria

Barangay Secretary
Abelardo E. Beato

Barangay Treasurer
Corazon C. Bajas


  • Barangay Profile
  • KASAYSAYAN NG BARANGAY BAZAL

    BARANGAY BAZAL. Taun -taon ay ginaganap ang Pista ng Barangay tuwing ika-13 hanggang 15 ng Hulyo. Ang Barangay Bazal ay ikatlong barangay mula sa Bayan ng Maria Aurora. Matatagpuan sa kanluran ng Barangay Malasin, timog ng Barangay Diaat, hilaga ng Barangay Baubo, at llaya ng Barangay Galintuja. Ayon sa mga ilang natitira pang buhay na matatanda dito sa Barangay Bazal iilan lamang silang nag-sumite dito, taong 1937 noong nag-simula silang mag-kaingin sa lugar na ito. Sa unang taon ng kanilang pag-kakaingin ay kakaunti lamang ang kanilang nabubuksan sa dahilang sobra ang laki ng mga kahoy na pinuputol nila sa lugar na ito. Ayon sa kanilang pagsasalaysay ay mayroon pang-yakap ng limang katao ang laki mga punong kahoy. Sagana naman sila sa ulam kaya maraming isda sa ilog at sapa maraming usa at mga baboy -ramo at mga ibon. Sa paligid ang kanilang pagkain ay mais, kamoteng baging at kamoteng kahoy bihira ang kanilang kanin dahil sa bayan pa ng Baler sila bumibili ng bigas. Ang nagbigay sa pangalan ng Barangay Bazal ay ang mga matatandang Baluga dito sa probinsya ng Aurora. Ito ang mga pangalan ng mga unang tao na naging pundador ng Barangay Bazal. 1. Martin Valdez 8. Seberino Pranada 2. Toribio Briones 9. Florencio Pranada 3. Victor Bautista 10. Victor Ora 4. Zacaria Ancheta 11. Leonardo Pranada 5. Jacinto Lopez 12. Eugenio Ancheta 6. Ipefanio Briones 13. Santiago Arellaga 7. Vicente Apigo 14. Eustaquio Geneta Sr. Ang kabahayan ay may isang libo’t dalawang daan siyamnaput apat (1,294) na Ang kasalukuyan ang Barangay Bazal ay isa sa apatnapu (40) na Barangay Ng Maria Aurora. Ito ay may layo na limang (5) kilometro mula sa bayan. Ang aming Barangay ay may sukat na 3, 781 ektarya may bulubundukin at kapatagan. May pitong (7) purok ito at may 288 papulasyon. Karamihan ang salita dito ay Ilokano at Tagalog. Mayroon ding eskuwelahan ng Daycare Center, Hepzheba Academy of Asia, Elementarya at Kolehiyo, ang Aurora State College of Technology (ASCOT) ganun din matatagpuan dito ang bundok panalanginan na kung saan inilunsad ito ng bansang Korea sa pangunguna ni Pastora Paula Kho, ang Habiru Abbey Mission. Ang pangunahing pangkabuhayan dito ay ang pagbubukid, paggugulayan, pag-aalaga ng hayop tulad ng manok, baboy at iba pa. Ang mga produkto sa aming barangay ay ang palay, niyog, saging at iba’t- ibang uri ng gulay. Sa pagdaan ng panahon, ang aming barangay ay marami ng makikitang pagbabago at patuloy ang pag-unlad tulad ng pagkakaroon ng konkretong daan tulad ng sementadong kalsada at tulay, libreng tubig mula sa bukal na matatagpuan sa Malikot-Likot, Manilad at gawi ng ASCOT, ito ang kasalukuyang iniinum ng taong barangay. Dahil sa kasipagan ng mga taong namumuno at pakikiisa ng mamamayan ng barangay ay masasabing isa ng maunlad na ang Barangay Bazal kumpara sa mga nakaraang panahon. Ang iba pang trabaho ng mga tao dito sa aming barangay ay ang pag-tatricycle driver at iba ay nakakapunta sa ibang bansa. Ang uri ng pakikipag- komunikasyon dito ay sa pamamagitan ng Internet at Cellphone ganoon din ang pakikibalita sa pamamagitan ng Radio at Telebisyon. Ang aming Barangay ay sagana sa patubig kung kaya patuloy ang pagsasaka dito. May mga magagandang tanawin din dito sa aming barangay na dinarayo ng mga turista at mga karatig barangay upang doon magpiknik tulad ng Lipit Falls, Campo Virgie at dam. Maipagmamalaki din ng aming barangay ang malinis na tubig na nanggagaling sa bundok. Sa kasalukuyan mayroon programa ang ahensya ng DENR na kung saan magtataniman ng iba’t-ibang uri ng punungkahoy sa kabundukan. Sa pakikiisa ng mga mamamayan sa barangay ay mayroon din nabuong mga organisasyon tulad ng Bazal Global Group (BGG) at ganoon din ang DAMAYAN na kung saan ito ay nakakatulong sa pangangailangan ng mga mamamayan ng Bazal.