BARANGAY OFFICIALS

JAIME C. CAWAD
Punong Barangay

Barangay Kagawad:

Norma O. Ebenga
Nessie C. Gotam
Edwin C. Gabogen
Raphy N. Diguinat
Romualdo O. Listor
Exequiel C. Aliwak
Manuel G. Ebenga, Jr.

Barangay Secretary
Gladys C. Caanawan

Barangay Treasurer
Samuel C. Caanawan


  • Barangay Profile
  • KASAYSAYAN NG BARANGAY BAYANIHAN

    Noong ika-29 ng Mayo, 1972 ay ganap na naging isang Barangay ang Bayanihan sa pamumuno ni G. Salvador Molina bilang Kapitan Del Baryo kasama ng kanyang mga Konsehal na sina G. Watang Aliwak, Sr., G. Mariano Campos, G. Prudencio Silvestre, G. Taingen Cawad, G. Eppoy Caanawan at G. William Sadaken. Ang nasabing barangay ay pingalanang “BAYANIHAN” sapagkat mula sa panahong iyon ng pagkakatatag ang mga tao ay may magandang kaugalian ito ay ang pagtutulungan. Isang halimbawa kapag ang isang anak ng isang pamilya ay magpapakasal ang mga kalalakihan ay sama-samang nangangaso ng usa, baboy damo sa gubat upang maging handa sa kasalan at ang mga kababaihan naman at sama -samang nagbabayo ng kaniya -kaniyang palay para maging bigas na dadalhin sa bahay ng magpapakasal. Hindi lang sa pagpapakasal nagtutulungan ang mga tao kundi maging sa halos lahat ng bagay o suliranin nang isang kabarangay. Taong 1973, nagkaroon ng Bayanihan Elementary School isang kuwarto lamang at yari sa kugon at dahon ng niyog. Paglipas ng ilang panahon naitayo ang Aurora Pang-Probinsiyang Eskuwelahan ng Bayanihan Annex na ngayon National High School, Ang pagtatayo ng ganitong institusyon ay nagsilbing malaking tulong hindi lamang sa mga taga Bayanihan kundi maging sa mga taga-Kadayacan. Kaalinsabay nito dumami ng dumami ang mga dayuhan tulad ng Bikulano, Bisaya, Igorot, Ilokano, Tagalog at marami pang iba. Isa ring dahilan ng pagdami ng tao sa naturang barangay ang operasyon ng logging na pinamamahalaan ng ONG BROTHERS. Karamihan sa tauhan ng nasabing kompaniya ay mga dayuhan na kung saan karamihan sa mga ito ay nakapag -asawa ng mga Ilongot na babae at lalaki. Taong 1982, nagkaroon ng halalang pambarangay at ito ay pinagwagian ni G. Romeo Cawad at ang kanyang mga naging Konsehal ay sina G. Modesto Ducusin, Sr., G. Sonny Diguinat, G. Mathan Caanawan, G. Alfonso Bitong, G. Jose Calderon at G. Pablo Cabogen. Taong 1989, muling nagkaroon ng halalang pambarangay at ito ay pinag-wagian ni G. Amagad Diguinat. Ang kanyang naging Konsehal naman ay sina G. Levi Gabogen, G. Romeo Ampatin, G. Rudy Diguinat, G. Modesto Ducusin, G. Romeo Cawad, G. Pepe Diguinat at G. Pablo Cabogen. Ngunit paglipas lamang ng isang taon at isang buwan ay kusa siyang nagbitiw sa hindi maipaliwanag na dahilan, kung kaya’t naging Kapitan si G. Levi Gabogen. Ngunit pagkalipas din ng tatlong taon at apat na buwan niyang panunungkulan siya ay naalis sa kanyang tungkulin dahil sa isang kontrobersiyal na pangyayari. Si G. Gabogen ay pinalitan ni G. Romeo Ampatin kaya sa loob ng isang termino tatlo ang naging Kapitan sa Barangay na ito. Taong 1994, muling nagkaroon ng halalan at dito muling nagwagi si G. Romeo Cawad bilang Punong Barangay at naging Konsehal naman nina G. Exegueiel Aliwak, G. Jhon Diguinat, G. Mathan Caanawan, G. Eliseo Aliwak, G. Modesto Ducuain at G. Carlito Gabogen. Sa paglipas ng mga taon ang mga mamamayan dito sa barangay Bayanihan ay sama-samang nagtutulungan para sa ikauunlad ng barangay. At naghahangad ng kaunlaran para sa pamayanan ng barangay. Kaya ang mga pamunuan ng barangay lahat ng mga opisyales ay nagkakaisa para patunayan sa mga mamamayan magsisilbing sandigan ng mamamayan upang malabanan ang kahirapan at matamo ang kaunlarang inaasam. Sapagkat ang pagkakaroon ng disiplina ay nagpapakita ng pagkakaisa at pagsasama-sama na siyang magpapabago sa Barangay Bayanihan tungo sa inaasam na tagumpay at kaunlaran.