BARANGAY OFFICIALS

ARCADIO M. LERON, JR.
Punong Barangay

Barangay Kagawad:

Rogelio E. Dacanay
Ceferino H. De Vera
Marcelo F. Candelario
Fortunato B. Obra
Dominick D. Nalupa
Jenny DV. Lagunay
Darwin A. Centeno

Barangay Secretary
Myrna DV. Mangaoang

Barangay Treasurer
Marivi B. Bringas


  • Barangay Profile
  • KASAYSAYAN NG BARANGAY BAUBO

    Ang Barangay Baubo ay isa sa mga apatnapung barangay ng Bayan ng Maria Aurora na nasa gawing kanluran ng bayang ito. Noong una, ito ay dating Sitio ng Barangay Debucao na may mangilan-ngilang taong naninirahan na ang karaniwang ay mga katutubong Ita. Pinaniniwalaan na ang pangalan ng lugar sa dakong ito at gayon din ang mga sapa, ilog at iba pang palatandaan ay ibinigay ng mga Ita at ayon sa kanila ang Barangay Baubo ay katutubong kataga na hinango sa punong kahoy na ang pangalan ay “BALAUBO”. Ayon sa tala ng kasaysayan ang Sitio ng Baubo ay nasakop din ng mga hapon noong ikalawang digmaan pandaigdig. Ang Sitio ng Baubo ay ganap na naging Baryo noong Hulyo 21, 1941. Unang nagkaroon ng Tinyente Del Baryo noong 1941-1945 kasama ang mga itinalagang pinuno ng baryo. Nagkaroon ng paghahati-hati ang Baryo at ipinagawa ang daan papunta sa bayan. Ang ilan pa sa mga naunanng nanungkulan at sa mga pondadores ng baryo ay sina G. Timoteo Marata, G. Leon Hulipas, G. Ebarresto Nalupa, G. Enrigue Mangaoang, G. Sabino Picart at si G. Berong Abenojar. Sila ang mga naunang kasa-kasama ng mga katutubong Ita na nagtayo ng kani-kanilang barong-barong na pumili at nagbukas ng kani-kanilang homested. Dahil na rin sa mga Ita ang pangalang “Baubo” ay kumalat at naging bukambibig na rin ng mga ibang tao. At mula noon, ang Barangay Baubo ay unti-unting umunlad hanggang sa kasalukuyan. Sa ngayon ang Barangay Baubo ay isa na sa Barangay na dinadaanan nang Provincial Highway na patungong Nueva Ecija at mga karatig probinsiya. Ang mga nanungkulan bilang pinuno ng baryo ay sina: G. Buenaventura Lana 1945-1948-1950 G. Pedrito Paguel 1950-1952 G. Jose De Vera 1952-1962 G. Felipe Farro 1965 Nagpalit ang tawag sa mga Tinyente Del Baryo at naging kapitan. Ang mga nanungkulan bilang kapitan ay sina G. Francisco Bitong taong 1965-1983, naglingkod din bilang OIC Kapitan sina G. Mariano Fontanilla (1985), G. Pedro Candelario, Sr.(1985 -1988) G. Adelina Ternida (1988-1994) ang nanungkulan dito bilang kapitan ay si G. Marcelino Candelario at ang kayang mga Kagawad. Sa kasalukuyan ang Punong Barangay na si G. Arcadio M. Leron, Jr. at lahat ng Kagawad sa Barangay at mga opisyales, ay sama-samang nagtutulungan para sa kapakanan ng mamamayan upang mapaunlad ang pamayanan sa Barangay Baubo.