BARANGAY OFFICIALS

JOSE V. BARLIS
Punong Barangay

Barangay Kagawad:

Jenett F. Cuaresma
Vicente D. Padua
Henrietta P. Bartolome
Salvador C. Barcena
Erwin E. Tablang
Cornelio T. Fernandez
Victor S. Enguerra

Barangay Secretary
Irene E. Rubis

Barangay Treasurer
Alfredo M. Prepose


  • Barangay Profile
  • KASAYSAYAN NG BARANGAY IV

    ANG KASAYSAYAN NG BARANGAY 4 San Jose De Casecnan, pook ng mga Ilongot, mga taong walang Diyos, mabagsik at namumugot ng ulo ng sinumang kristiyano subalit noong matapos na masakop ang lugar na ito ng mga kristiyano dahil kay G. Jose Bitong na taga Liliw,Laguna nabago ang pananaw ng mga Ilongot. Pinakasalan ni G. Jose Bitong ang isang anak na dalaga ng mga Ilongot, na nagpasang-ayon sa kanila upang sundin ang mga mungkahi niya.

    Naging Kristiyano ang lugar na iyon. Dumating ang panahon ng mga Kastila dahil sa naging malupit ang mga ito, naghimagsik ang bayan at karamihan sa mga tao sa Baryo San Jose De Casecnan ay nagtago kasama ang kanilang pamilya sa bayan ng Baler. Matapos ang Digmaan kaunti na lang ang bumalik sa baryong ito. Tatlong taon matapos makamtan ang kalayaan, ideneklarang isang bayan ang baryong ito, tinawag itong MARIA AURORA na hango sa pangalan ni Maria Aragon Quezon, anak ni dating Pangulong Manuel Luis Quezon at Dona Aurora Aragon Quezon. Nagkaroon ng Poblacion 1 at 2 taong 1949 itinalagang Alkalde ng Bayan na si Pedro Montero at Tinyente Del Baryo naman si G. Alfredo Bitong sa Poblacion 1. Sumunod na naging alkalde ng bayan si Pedro Wenceslao at Poblacion 1 at ang tinyente del baryo si Vicente Lumaban. Taong 1960 alkalde ng bayan Leon Hulipas naman ang nagsilbi sa bayan habang sa Poblacion 1 ay si Tinyente Del Baryo Prospero Evangelista. Taong 1964 ng manungkulan sa Punong Bayan Leonardo T. Ong at si Tinyente Del Baryo Dominador Yambot naman ang nagsilbi sa Poblacion 1. Taong 1972 ng ideklara ng Pangulong Marcos ang Martial Law at taong 1973 pinahintulutang magkaroon ng eleksyon at pinahintulutan din ang paghahati ng mga lugar na nasasakupan ng mga siyudad at bayan. Dito nagkaroon ng pagkakahati ng apat na barangay ang poblacion, mula sa poblacion 1 nalikha ang Barangay 3 at 4, at sa Poblacion 2 ang Barangay 1 at 2 Matapos ang eleksyon, nanumpa sa tungkulin noong Pebrero, 1973 sina:
    Jacinto Lumaban Punong Barangay
    Dominador Yambot Kagawad
    Eduardo Magaway Kagawad
    Philip Reyes Kagawad
    Benito Valdez Kagawad
    Bernardo Larioza Kagawad
    Nenita San Pedro Kagawad
    Carolina Diaz Kagawad

    Sa panahon ng panunungkulan ni Punong Barangay Lumaban napalitan sina Kagawad Philip Reyes at Benito Valdez nina Kagawad Glicerio Martinez at Macario Nacino. Ang Barangay Hall noon ay itinayo sa pamamagitan ng bayanihan sa lupa ni dating Alkalde Ng Bayan na si Juan Ortiz at nailipat ito sa lupang donasyon ni G.Benito Valdez. Kinilala rin ang pamunuang ito sa pagpapaunlad ng Pamilihang Bayan, sa pamamagitan ng pagtatayo ng palikuran at poso gayundin ang paghahanda ng kapaligiran nito. Taong 1982 muling nagkaroon ng bagong pamunuan na sina;
    Eduardo Magaway Punong Barangay
    Danilo Silverio Kagawad
    Danilo Mendoza Kagawad
    Domingo Urbano Kagawad
    Eddie Sin Kagawad
    Willy Ortiz Kagawad
    Victoriano Prepose Kalihim
    Rodolfo Gavia Ingat–Yaman

    Sa panahon ng panunungkulan ni Punong Barangay Magaway nakapagpatayo ng ilang poso at kasabay nito ay dumaloy ang kuryente sa barangay na ito. Muling naghalalan taong 1988 inihalal ng mamamayan ang mga sumusunod;
    Pio Dulay Punong Barangay
    Eduardo Magaway Kagawad
    Jose Barlis Kagawad
    Ernesto Cacalda Kagawad
    Jaime De Dios Kagawad
    Rodolfo Valdez Kagawad
    Benito Sarmiento Kagawad
    Andres Cagaon Kalihim
    Alfredo Prepose Ingat–Yaman

    Sa panunungkulan ni Punong Barangay Dulay nabili ang katabing lote na donasyon ni G. Valdez. Naipatayo ang kongkretong Barangay Hall, gayundin humiling si SK Chairman Joy Lumaban kay Governor Ong na pondohan ang isang Basketball Court subalit hindi ito nagkaroon ng katuparan sa panahon ng kanilang panunungkulan. Sapagkat nagkaroon ng bagong gusali ang Barangay Hall ginawang Day Care Center ang dating Barangay Hall. Itinalaga ring Officer-In-Charge ni Punong Barangay Dulay si Kagawad Willy Ortiz, matapos na siya ay mahalal bilang ABC President. Hanggang dumating ang eleksyon noong at nahalal ang mga sumusunod:
    Jose Barlis Punong Barangay
    Jaime Simon Kagawad
    Federico Flora Kagawad
    Luciano Estacio Kagawad
    Ginoong Abejo Kagawad
    Rodolfo Gavia Kagawad
    Candida Grospe Kagawad
    Oliver Farin Kagawad
    Melchor Dulay Kalihim
    Alfredo Prepose Ingat–Yaman

    Sa unang panahon ng panunungkulan ni Punong Barangay Barlis ay nagkaroon na ng kusina at palikuran ang Barangay Hall. Gayundin nagkaroon ng katuparan ang Basketball Court, nakapagpatayo na rin ng stage, palikuran sa Day Care Center, nagkaroon ng elektrisidad ang Barangay Hall. Taong 1994 din sinimulan ang pagdiriwang ng Barangay Sports Festival tuwing dumarating ang Abril 17, 18 at 19. Muling nagkaroon ng halalan noong nakaraang 1998 at muling nahalal si Punong Barangay Jose Barlis kasama ang kanyang sanggunian na sina:
    Jaime Simon Kagawad
    Federico Flora Kagawad
    Luciano Estacio Kagawad
    Manuel Sarmiento Kagawad
    Ronnie Genes Kagawad
    Edgardo Magaway Kagawad
    Benjamin Grospe Kagawad
    Melchor Dulay Kalihim
    Alfredo Prepose Ingat–Yaman

    Naging maiksi ang panahon ng paglilingkod sa Barangay nina Kagawad Estacio at Kagawad Genes sapagkat sila ay kumandidatong Konsehal ng Bayan kay pinalitan sila nina Kagawad Rodolfo Gavia at Kagawad Maynard Molina subalit pinalad na mangibang bansa si Kagawad Maynard Molina kung kaya si Kagawad Mechor Dulay ang pumalit sa kanyang posisyon at hinirang si Kalihim Theresa Bitong bilang kalihim. Sa panahong ito nagawa ang terrace ng Barangay Hall at ang Grills nito. Nabakuran na ang lupa ng Barangay Hall, Sa kasiglahan ng kabataan sa pangunguna ni SK Chairman Garcia nagkaroon ng ilaw ang bakuran ng barangay hall at ang basketball court. Naisaayos din ang ilang drainage sa barangay. Sa kanyang panahon rin naitayo ang bagong gusali ng pagbibigay tulong sa mga indigent ng barangay. Patuloy na nagsisikap ang Sangguniang Barangay na tutugunan ang mga pangangailangan ng mga kabarangay sa abot ng kanilang makakaya hanggang sa taong 2001. Ang Barangay IV ay binubuo ng kapatagang may kabuuang sukat na 380, 909 metro kuwadrado 40,904 metro kuwadrado ay lupang natatamanan at ang lupang tirahan ay may sukat na 144,538 metro kuwadrado. Nasa gawing silangan ng Barangay na ito ang Barangay na ito ang Barangay III, gawing kanluran ang Barangay San Joaquin, gawing hilaga ang barangay Kadayakan at gawing timog ang Barangay II. Ito ay may Kabuuang populasyon na 2,131 noong taong 1999. Pangunahing pinagkakakitaan sa barangay ang pagtitinda marahil dahil narito ang Pamilihang Bayan, nasasakop rin nito ang Simbahang Katoliko, born Again Espiritista, Iglesia ni Kristo at iba pa. Sakop rin ng barangay na ito ang bahagi ng Pacugao River. Sa kasalukuyan ang Barangay IV ay patuloy na nagsusumikap ang mga pamayanan ang lahat ng makakaya at linangin at paunlarin sa wastong paraan upang maging susi at makatulong ito sa pagpapataas ng antas ng pang-kabuhayan ng pamayanan.