BARANGAY OFFICIALS

FEDERICO P. GALAM
Punong Barangay

Barangay Kagawad:

Restituto M. Diaz
Rufino E. Bayudan
Benigno A. Silvestre
Gloria P. Lucquing
Donna R. Asuncion
Eugenio M. Yabut
Wilson M. Habala

Barangay Secretary
Marites R. Nacino

Barangay Treasurer
Rowena O. Galam

  • Barangay Profile


  • KASAYSAYAN NG BARANGAY III

    Taong 1973, ang 1972 Constitution ay pinagtibay ang character. Pinahintulutan ng Poblacion Ciudad na gumawa ng Barangay, kung kaya’t dito nagsimula ang pagkahati-hati ng Poblacion ng Maria Aurora, ito ay ang barangay 1, 2, 3, at 4. Noong Mayo 11, 1973 nagkaroon ng halalan ang mga Barangay III ang nagwaging Cabeza ay ang yumaong si G. Jeorge Apolonio, ang anim na mga Konsehal sa pangunguna ni G. Luis P. Bucauto, Sr. G. Dominador Cabrales, G. Crispulo Delos Trinos, G. Pio Caluza, G. Bert Pedrozo, G. Pedro Gatchalian. Makalipas ang dalawang buwan (June -July 1973) nagbitiw si G. Jeorge Apolonio bilang Cabeza De Barangay, si G. Luis Bocauto,Sr. ang naging kapalit bilang Cabeza ng Barangay III, dahil siya ang nanguna sa anim na mga konsehal. Agosto 1, 1973 - 1982 naglikod si G. Luis Bocauto,Sr. bilang Cabeza De Barangay. Mayo 11, 1982 halalang pambarangay Eleksiyon muling tinanghal si G. Luis Bocauto,Sr. bilang nanalong Cabesa De Barangay. Taong 1992 hanggang 1994 ang namuno bilang Cabesa de Barangay ay si G. Charlie Abubo na muling napalitan ni G. Luis Bocauto,Sr. noong 1994 hanggang sa kasalukuyan. Ang Barangay III ay may lawak na humigit kumulang 58.448 metro kwadrado na kung saan napapalibutan ng limang Barangay. Sa Silangan matatagpuan ang Barangay Florida, sa Hilaga ang Barangay I at II. Samantalang sa gawing Kanluran nito ay Barangay IV at Kadayacan. Isa rin sa nasasakupan ng Barangay III ay ang ilog Pacugao. Ang barangay ding ito ang sumasakop sa Pambayang Pamahalaan ng Maria Aurora at Himpilan ng Pulisya. Kasama pa rin sa nasasakupan ng Barangay III ang Paaralang Sentral ng Maria Aurora na binubuo ng 1,382 na mag-aaral sa Mababang Paaralan na may 41 Guro at isang Nurse. Kasama din dito ang tinawag na SPED School. Sa Barangay ding ito matatagpuan ang pinakamalaking Day Care Center sa buong bayan ng Maria Aurora. Ang Barangay III ay may nasasakupan ding bundok na pag-aari ng mga Angara at Silvestre na kung saan tanaw ang buong kabayanan at karatig barangay na maaring mai-develop na isang pang-akit sa mga turista. Ang nasabing bundok at may taas na mahigit kumulang na 100 talampakan. Samantala ang kapatagan nito ay natataniman ng mga citrus, niyog, saging, at marami pang iba na kung saan ginagamit ding pastulang ng mga hayop tulad ng kalabaw at kambing. Ang pagtatanim ng citrus ang isa sa pangunahing pinagkukunan ng ikakabuhay ng mga taga-Barangay III samantalang ang iba naman ay namasukan bilang mga kawani sa iba’t-ibang Tanggapan at Ahensiya. Sa punto ng populasyon, ang Barangay III ay may kabuuang bilang na 860. Sa kasalukuyan ang Punong Barangay kasama na rin ang mga opisyales ay patuloy nagtutulungan para sa ikauunlad ng pamayanan. Ang disiplina ay susi para sa mapayapa at matagumpay na pamayanan sa barangay.