BARANGAY OFFICIALS>

MARIETTA S. QUEZON
Punong Barangay

Barangay Kagawad:

Recto C. San Jose
Danilo DL. Morales
Rhodel S. De Vivar
Rodolfo C. Niembra
Arnel M. Villanueva
Francisco C. Amor
Christian M. Galang

Barangay Secretary
Corazon G. Gicaraya

Barangay Treasurer
Alexis G. Catipon


  • Barangay Profile
  • KASAYSAYAN NG BARANGAY I

    Ang SAN JOSE DE CASECNAN ay pook ng mga Ilongot sila ay kilala bilang mga taong walang kinikilalang diyos, mabagsik at namumugot ng ulo ng mga Kristiyano. Taong 1771, matapos na masakop ang lugar na ito ng mga Kastila sa impluwensiya ni Jose Bitong ng tubong Liliw, Laguna nabago ang pananaw ng mga Ilongot. Pinakasalan ni G. Jose Bitong ang isang dalagang Ilongot na nagkumbinsi sa kanila na sundin ang mungkahi niya. Dumating ang panahon ng mga Kastilla naging malupi’t ang mga ito sa mga Pilipino naghimagsik ang bayan at karamihan sa mga mamamayan ng baryo San Jose de Casecnan ay nagtago sa Bayan ng Baler. Matapos ang digmaan, kaunti na lamang ang bumalik sa Baryo San Jose. Tatlong taon matapos makamtan ang kalayaan, idineklarang isang bayan ang baryong ito at tinawag na MARIA AURORA hango mula sa pangalan ni Maria Aurora Aragon Quezon anak ng dating Pangulong Manuel at Donya Aurora Quezon. Mayroon itong poblacion 1 at 2. Taong 1972, idineklara ang Martial Law nagkaroon ng Election noong taong 1973 at pinahintulutang na hatiin ang mga nasasakupang siyudad at bayan. Dito isinilang ang apat na Barangay ng Maria Aurora. Mula sa Poblacion 1, nagkaroon ng Barangay 3 at Barangay 4 mula sa Poblacion 2 naman. Mga nanungkulan bilang mga Tinyente Del Baryo sa Barangay 1 at kalauna’y nagging Punong Barangay:
    1. G. GAVINO BITONG - 1955 – 1959
    2. G. ALFREDO BITONG - 1960 – 1964
    3. G. DELFIN CATIPON - 1965 – 1969
    4. G. ALIPIO GALISANAO - 1969 – 1973
    5. G. JUAN ORINIA - 1973 – 1977 (Cabesa De Barangay)
    6. G. QUINTIN GALISANAO - 1982 – 1987
    7. G. DELFIN SERAFINES - 1987 - 1989 (OIC- Punong Barangay)
    8. G. LAZARO T. FAJARDO JR. - 1989 - 1994
    9.G. ARIEL S. BITONG - 1997 - ABC
    10.G. RODOLFO MADARCOS - 1998 – 2002
    11.G. REYNALDO ARAGON - 2002 – 2007
    12.Gng. MARIETTA S. QUEZON 2007 - Kasalukuyan

    Ang Barangay I ay binubuo ng kabuuang land area na humigit kumulang sa 190 hectares. Sa kasalukuyan ito ay may 6 na Purok at may populasyon 1,277. Pangunahing hanap buhay dito ay pagsasaka at karamihan ay nag-oopisina. Patuloy ang pagsisikap ng Pamunuang Barangay at kasama na ang mga opisyales ng barangay upang maisulong ang kaunlaran nito. Patuloy ang pagkakaisa,pagtutulungan at pagsisikap upang magkapaghatid sa bawat mamamayan ang minimithing kaunlaran. Sa kasalukuyan ay may maayos na bakod ang Barangay Hall nagkaroon na rin ng sariling stage, maraming Barangay Road ang naging konkreto patuloy din na pinagsisikapang gawain na maipagmamalaki natin sa bayan. Ang Pamunuan ng Barangay I ay nagsusumikap upang bumaba ang bilang ng mga kaso at upang maiwasang makapag-indorso ng mga kaso sa mas mataas na hukuman para sa pamayanan. Ang batayan ng pagkilos ng bawat isang mamamayan ay pagkakaroon ng tamang disiplina maging marangal sa paggawa lalo na para sa bayan at sa kapwa. Disiplina ang magpapatatag ng ugnayan ng mamamayan at pamahalaan ang maghahatid sa bawat isa ng tagumpay.