BARANGAY BANNAWAG
VIRGINIA C. RAMOS
Punong Barangay
Barangay Kagawad:

Marilou M. Biag
Mercedes R. Velenzuela
Franklin A. Guleng
Reymark D. Delos Trinos
Luis C. Ramos
Victoriano S.Felipe
Suejen C. Evangelista

Barangay Secretary
Ma. Teresa E. Ramirez

Barangay Treasurer
Hazel A. Navarra


  • Barangay Profile
  • KASAYSAYAN NG BARANGAY BANNAWAG

    Noong unang panahon ang lugar na tinawag na Bannawag ay isang masukal at madawag na kagubatan. Sa paglipas ng panahon di nagtagal ay mayroong nanirahang mga Bugkalot. Sila ay nagsimulang naglinis, sa parteng mababa at matubig na lupa gayundin gumawa sila ng tubigan at sa patag na lupa ay nagtanim sila ng mga gulay at naghasik ng palay. Isa sa mga Bugkalot na ito ay si Yapogu, siya ang naging pundadorsa lugar na ito. dito sa Barangay na ito noong taong 1930, pina-ngalangang niya at tinawag itong Dikaba. Taong 1935 nang may mga dumating na mga Ilokano. Sila ay nangaling sa Bayan ng Pangasinan. Kabila sina G. Roberto Cagbay, G. Nicanor Leal, Gng. Cayetana Sagucio at G. Apolonio Ramos. Ang mga Bugkalot ay unti-unting lumipat ng iba’t-ibang lugar. Hanggang sa dumami ang mga tao sa lugar na ito. Ang Barangay Dimanpudso at Barangay Bannawag ay iisa. Ang pangalang Dimanpudso ay kinuha sa binata at dalagang nag-liligawan. Taong 1960, Gumawa ng isang kapasyahan ang mga opisyal ng Barangay Dimanpudso sa katauhan ni Kapitan Nolleda at ito ay kanyang isinangguni sa ating Pamahalaan ng Bayan ng Maria Aurora. Mayroong lugar na nasasakupan ang Barangay Dimanpudso na gagawin sitio at ito ay ang Sitio Bannawag. Ang pangalan Bannawag ay kinuha sa isang babasahing Bannawag na Liwayway. Ang mga taong nakatira noon dito ay may pagkakaisa at pagtutulungan. Taong Nobyembre 25, 1972, ang Sitio Bannawag ay ginawang Barangay Bannawag sa pagsisikap ng mga naninirahan dito at tulong ng dalawang konsehal na sina Kag. Roberto Cagbay at Gng. Cayetana Sagucio. Ang Pamahalaan ng Maria Aurora sa katauhan ng Alkalde ng Bayan na si Leonardo Ong, ito ay pinayagang maging isang barangay. Nagpasya ang mga naninirahan dito na magkaroon ng halalan pambarangay upang makapili ng kapitan. Pagkatapos ng halalan ang nanalong kapitan ay si G. Roberto Cagbay. Siya ang kauna-unahang Kapitan ng Barangay Bannawag kung saan nagkaroon na kaunting pag-unlad, gumanda ang mga daan at ang mga taong naninirahan dito ay patuloy na nagkaroon pagkakaisa at pagtutulungan. Dahil sa mahinang pangangatawan ni Kapitan Roberto Cagbay taong 1982 naglagay siya ng kahaliling kapitan sa katauhan ni G. Andres Mosada hanggang taong 1986. Nagkaroon ng pang-panguluhang halalan at nanalo si Pangulong Corazon Aquino. Taong 1988 nagkaroon muli ng halalan sa Barangay at dahil sa magandang paglilingkod ni Kapitan Andres Mosada siya ay muling nahirang bilang Punong Barangay. Sa kanyang pagsisikap sampu ng kanyang mga Kagawad ay nagkaroon ng mga iba’t-ibang mga proyekto na naitayo. Hanggang sa kasalukuyan ay patuloy na pinagsisikapan ng konseho ng barangay ang pagpapaunlad sa Barangay Bannawag kasama ang lahat ng mga naninirahan dito.