BARANGAY OFFICIALS

MARIA ELENA F. NICER
Punong Barangay

Barangay Kagawad:

Maxie D. Riaza
Romulo M. Necesito
Wilman A. Eugenio
Reynante C. Tablazon
Lourdes E. Obado
Joselito N. Apolonio
Lilibeth C. Mariano

Barangay Secretary Lilibeth C. Mariano
Barangay Treasurer
Susana N. Angel


  • Barangay Profile
  • KASAYSAYAN NG BARANGAY BANGCO

    Noong unang panahon, ang lugar na ito ay bihira pa lamang ang naninirahan. Madamo at magubat ang daan o kalsada na ang tanging kalabaw lamang ang dumaraan. Ang ikinabubuhay nila noon ay pagtatanim ng palay sa pamamagitan ng hasik. Ito ay kanilang ginigiik sa paraan ng pagtapak ng paa at kanilang binabayo upang maging bigas. Ang iba pang ikinabubuhay nila ay pagtatanim ng mga lamang lupa tulad ng kamote, gabi at paminsan -minsan ang kanilang pantawid gutom ay saging na saba o kamote at karagdagan din sa kanilang ikinabubuhay. Ang mga niyog naman ay kanilang itinitinda sa bayan ng Baler sa pamamagitan na palangka (ito ay iyong isinasakay sa likod ng kalabaw). Ipinapalit nila ang sa kanilang pang araw-araw na pangangailangan para sa kanilang tahanan at kung may sobra pa ito ay kinukuha na nila para maging pera.

    Sang-ayon pa rin sa matatanda noon, ang pook na ito ay isa pa lamang ang baryo ng Bayan ng Baler na may limang Baryo. Ito ay ang Baryo ng San Jose, Dipaculao, Debucao, Bakong, at San Luis. Ayon dito ang Baryo San Jose (Maria Aurora ngayon) ay may malawak na lupain na nasasakupan ang Baryo Bangco ngayon. Ang tanging residente pa lamang sa Baryo na ito ay sina Ginoong Elino Necesito, Ginoong Severino Apolonio, Ginoong Tomas Eugenio, Ginoong Eugenio Galam, Ginoong Teopilo Abuan, Ginoong Pedro De Luna, Ginoong Inocencio Nacesito, Ginoong Faustino Sebastian. Sang-ayon sa kanila may malawak na balon at may malalaking punong kahoy sa paligid nito ay may malaki ding ilog na siyang paliguan ng kalabaw o iyong tinatawag na tamaraw. Ang malawak at malinis na balon ay kanilang inalagaan at pinaganda sapagkat dito sila nangunguha ng kanilang inumin. Nilagyan din ito ng magandang bangko o upuan sa palibot gayundin sa mga kalapit ng mga punong kahoy. Dahil sa kaaya-ayang tanawin ng balong ito, napabalita at nalaman ng ibang taga baryo ang nasabing balon dahilan upang dayuhin kung saan sila ay kumakain at naliligo. Ayon pa rin sa mga matatanda, umaani na ang lahat ng nakatira dito at may kanya-kanya mga alagang kambing dahil nga ang lugar na ito ay may malawak na pastulan kung kaya’t ang parteng silangan ay tinawag na KAMBINGAN at sa parteng kanluran ay tinawag namang “may bangco”. Hangang sa dumami na ang mga nanirahan sa lugar na ito. At naisipan na nilang bumuo ng ilang pinuno at dito binigyan ng pansin ang pangalan ng lugar na ito na “May Bangco”. Taong 1956 naman nang ito ay ideklarang Bangco ang pangalan ng lugar na ito nina Ginoong Elino Necesito,Sr., Ginoong Eugenio Galam at Ginoong Faustino Sebastian. Dito ay nagkaroon ng paaralan na yari sa kahoy at talahib at naging guro si Binibini Antonia Arciosa noong 1964 hanggang 1968. Nahalal naman si Ginoong Teofilo Padua bilang Kapitan ng Barangay na siya rin ang nagpatabon ng bato at buhangin upang maging matatag ang eskwelahan primarya na may apat na baitang. Taon 1973-1974, nagpalit–palitan sa panunungkulan sina Ginoong Severino Apolonio 1973 hanggang 1981. At ang kanilang tinatawag na Tenyente Del Baryo. Noon ang mga guro ay sina Binibini Nene Estavillo at si Ginang Librada Amatorio. Dito ay meron na ring pitumpu’t limang (75) populasyon ang paaralan. Pumalit kay Kapitan Padua si G. Marcos Necesito, Sr. noong taong 1968 hanggang 1988. Siya ay nanungkulan sa loob ng dalawampung taon. Dito ay umangat na rin ang sistema nang kanilang pamumuhay. Lumuwang ang kanilang sakahin, niyugan, paglala ng sumbrero at banig gayundin ang paghuli ng isda, hipon at talangka na ginagamitan ng bubo na nilalang kawayan. Ito ay kanilang itinitinda sa bayan ng Maria Aurora. Nagkaroon na rin ng transportasyon, ito ay ang kalesa. Nagkaroon na rin sila ng kongreto Paaralang RP-US na may apat na grado ang naging guro dito ay sina Ginang Collado nagsusumigasig na rin sila ng iba’t –ibang samahan tulad ng 4-H CLUB at WOMEN’S CLUB. Binuksan na rin ang daan patungong Cabituculan East. Nagkaroon din sila ng palaruan o basketball court. Unti-unti ay umaangat na rin ang kanilang pamumuhay. Kinabitan na rin sila ng AURELCO ng kuryente sa pangunguna ni Gng. Deorgracia Necesito NOONG Abril 24, 1987 Taong 1998 at hanggang 1989 umupo bilang nakatalagang opisyal ay si G. Teodolfo Apolonio sa loob ng isang taon. Noon taon 1989 hangang 1994 nahalal si Ginoong FLORENTINO NECESITO bilang Punong Barangay sa pamamagitan ng sistema ng Unang Kagawad na siyang pinakamaraming boto ay siyang mamumuno bilang Punong Barangay. Na nagkaroon din siya ng Anim na Kagawad, Ingat Yaman, at Kalihim. Noon taon 1992 nagkaroon sila ng Honoraria na may halagang dalawang daang piso (P200.00) sa loob ng limang taong panunungkulan, siya rin ay nagpatayo, Entablado nagkaroon din sila ng Day Care, Chapel sa pangunguna ng samahan ng katoliko sa pagsisikap ni G. Marcos Necesito, at sa masugid na pagtulong ng ating mabait na Pari na naglingkod na si Rev. Fr. Edwin Agapay. Noon taon 1991, Ipinagdiriwang nila ang kauna –unahang kapistahan ng lugar na iton sa pamamagitan ng kanilang Patron Isidro Labrador. At noong taong 1994 hanggang 1997, dito ay nanungkulan na rin si dating Kapitan Tornino Domanais Sr. sa loob ng tatlong taon ng kanyang panunungkulan ay nakapagpag-pagawa rin sila ng health center, barangay hall, solar drier, 100m kongkretong kalsada at nakapagpalagay din sila na box culvert. Gayundin ang Waiting Shed sa pangunguna. Ang pangulong pestejos 1997 na si G. Elmer Padua. Nagkaroon ng mas-magandang Transportasyon .Bumibisita na rin ang ibang maggagamot ng Bayan sa aming lugar na dinadala lamang o ginagamot lamang sa Albulariyo. Nagkaroon na rin ng pagbabago ang Paaralang Primarya ng Bangco sa pangunguna ng mga masigasig na guro. At sa loob pa rin ng paaralan ay mayroon na ring Solar Drier sa sipag at tiyaga ni Provincial Agriculturist G. Adriano Necesito. Taon noon 1997, nahalal si G. Elino Necesito bilang Punong Barangay ng Bangco. Sa kasaysayan ng Barangay Bangco siya ang pinakabatang nagging Punong Barangay na nanungkulan dito sa Barangay sa edad na dalawampu’t pito (27).