BARANGAY OFFICIALS

LUIS D. CARIÑO
Punong Barangay

Barangay Kagawad:

Francisco L. Guleng
Elfidio D. Padua, jr.
Rolando D. De Leña
Raulito M. Nicer
Alexander L. Delfin
Rufina B. Nabor
Jephty D. Lobusta
Ignacia P. Bautista

Barangay Secretary
Ignacia P. Bautista

Barangay Treasurer
Genaro P. Nicer

  • Barangay Profile
  • KASAYSAYAN NG BARANGAY ALCALA

    Taong 1945 hanggang 1950, may mga ilang pamilyang ang nagdatingan mula sa iba’t-ibang lugar na ang karamihan ay galing sa Lalawigan ng Pangasinan. Ang lugar na ito’y tinatawag na Sitio MALASIN na sakop ng Barangay Dimanpudso noon. Di kalaunan sa pamumuno ni Pangulong Ferdinand Marcos taong 1972, ideneklara ang “Martial Law” kasabay ng Proklamasyon sa Presidential Decree 1081 na kung saan ang lahat ng malalaking Sitio ay gawing ganap na barangay. Dahil dito, napagkaisahan ng kapulungan na inihango ang kasalukuyang pangalan ng Barangay sa Apelyido ng kasalukuyang Gobernador na si Kgg. Anacleto Alcala kaya’t magmula noon ay tinawag ang Sitio Malasin na Barangay Alcala. Ang Barangay Alcala ay may kabuuang populasyon na 621 at binubuo ng 131 kabahayan ito ay may luwang na 221 hektarya mula sa barangay na pumapalibot dito. Sa hilagang Silangan ay ang Dipaculao, sa Kanluran ay ang Bannawag, Timog Kanluran naman ay Dimanpudso at Timog Silangan ang Cabituculan. Ang Kalupaan ng Barangay Alcala ay may lawak na 144.8658 hektarya. Ang pang-karaniwang hanap-buhay ng mga naninirahan dito ay pagsasaka. Simula nang maging ganap na Barangay ang Alcala unang nanungkulan bilang Kapitan si Ginoong Bonifacio Gonzales mula taong 1972 hanggang 1981. Pangalawa naman sa nanungkulan bilang Punong Barangay ay si Kgg. Federico Nabutel Sr. taong 1981 hanggang 1994. Pangatlo sa namuno naman ay si Kgg. Rodolfo Delfin taong 1994 hanggang 1997. Pang-apat sa namuno naman ay si Kgg. Ranillo Martinez mula taong 2002 hanggang 2007. At ang kasalukuyang nanungkulan bilang Punong Barangay ay si Kgg. Luis D. Carino simula taong 2007 sa pagkakapanalo niya noon nakaraang Barangay Eleksiyon. Sa pamumuno ng mga kapitan na ito ay masasabing malaki na ang ipinagbago ng barangay. Kasama sa mga pagbabago ang mga proyektong naitayo ang mga sumusunod :
    1. Barangay Stage 7. Water Tank with Motor
    2. Multi-Purpose Pavement 1 8. Barangay Street Light
    3. Multi-Purpose Pavement 2 9. Day Care Center
    4. Baranggay and Farm to Market Road 10. Public Toilet
    5. Barangay Hall 11. Ware House
    6. Barangay Health Center 12. Barangay Stage Extension

    Hanggang sa kasalukuyan ang Barangay Alcala ay patuloy na nagkakaroon ng pagbabago sa pamamagitan ng sama-samang pagtutulungan ng mga mamamayan kasama ang mga pamunuan. Sa pangunguna ni Punong Barangay Luis D. Cariño ang Barangay Alcala ay patuloy nagsusumikap na gampanan ang lahat na makakaya upang patuloy itong umunlad bilang isang barangay. Kaalinsabay nito sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos at pakakaisa gayundin sa gabay at pagtulong ng Poong Maykapal ay ang pagtataguyod upang mapangalagaan at maprotektahan ang ating mga likas na yaman.